Tuesday, June 25, 2013

Lundo ng Buhay

Kanya-kanyang bangka tayong namamalakaya. May katig man o wala, malaki o maliit man ang ating layag, iisa lamang ang layunin natin sa buhay. Daluyong o habagat man ang dumating sa laot, tuloy lang ang takbo ng buhay. Di ba, gumagaan ang ating pamamalakaya kung tayo'y may pananampalataya at tibay ng loob? Tagumpay ang minimithi. Katiwasayan ng kalooban ang tinatanaw. Di lahat naman tayo ay nagnanasang makarating sa pampang ng kasaganaan? (Los Angeles, CA May0 27, 2013.)

No comments:

Post a Comment