Mabilis na lumipas ang bakasyon 2014 (46 days). Nasa saloobin ko pa rin ang mag-ipon ng sapat na puhunan upang maisakatuparan ko ang isang pangarap...ang magkaroon ng isang pamana (legacy) sa aking pagtanda. Isang araw maitatayo ko rin ang isang paaralan sa aking bayang sinilangan. Nais kong ibahagi ang aking mga natutunan at karanasan sa larangan ng Edukasyon. Mas magiging epektibo lamang ito kung may sapat na akong panahon na makatulong naman sa ating bansa para sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon. Isa rin itong paraan upang makatulong ako sa aking mga kababayan na makapagbigay ng hanapbuhay sa kanila.
Ang daloy ng buhay ay maikli lamang. Lalo lamang umiigting ang pagnanasa ko makabalik sa ating bayan. Dito ako mas magiging masaya sa piling ng aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Dito rin ako makakaranas nang higit katahimikan at kasiyahan. Nag-iisa lamang ako sa buhay. May kani-kanyang pamilya na rin aking mga kapatid. May kanya-kanya na rin kaming mithiin at landas na tinatahak. Bago dumating ang dapit hapon sa aking buhay sana ay maisakatuparan ko ang pangarap na ito.
Naniniwala ako na sa tulong ng ating Maykapal at sa suporta ng aking pamilya ang anumang magandang balakin ay magkakaroon ng magandang kasagutan.

No comments:
Post a Comment